Ang salitang Poker hands ay karaniwang naririnig natin sa mga casino o kaya naman kapag naglalaro tayo ng mga larong baraha. Ito ay ang sukatan kung gaano kalakas ang kumbinasyon ng baraha at upang matukoy ang panalo. Mahigpit itong sinusunod sa ilang larong baraha na masusubukan mo. Kaya naman ngayon pa lang kung nais mong maging mahusay sa Pusoy, 3 card poker, o poker cards, umpisahan na itong alamin at kabisaduhin upang maging handa bago sumabak sa laro. Sa artikulong ito, ang Laro Reviews ay tutulungan kang matutunan ang pangunahing kaalaman tungkol sa Poker hands!
Contents
Ano ang Poker hands?
Mayroong 52 na baraha sa isang pack at ang ranking ng mga indibidwal na baraha, mula mataas hanggang mababa ay Ace, King, Queen, Jack, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2. Ang Poker hand ay binubuo ng limang baraha. Ang mga kategorya ng Poker hands, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa ay ipapakita ng Laro Reviews sa susunod na bahagi ng artikulong ito. Ang anumang Poker hand na mas mataas ang kategorya ay matatalo ang anumang Poker hand na mas mababang kategorya.
Halimbawa ang Three-of-a-kind ay kayang talunin ang Two Pair at High Card. Sa pagitan ng Poker hands na may parehong kategorya, ang ranggo ng mga indibidwal na baraha ang nagpapasya kung alin ang mas mahusay o malakas. Sa mga laro kung saan ang isang manlalaro ay may higit sa limang baraha, pumili lamang ng lima upang bumuo ng isang Poker hand at ang mga natitirang baraha ay hindi isasali sa anumang bahagi sa ranggo. Ang mga Poker card ranking ay palaging nakabatay sa limang baraha lamang.
Kung gusto mong subukin ang talento mo sa pagbuo ng Poker hands mula sa mga larong baraha na ginagamit ito bilang isa sa mga patakaran sa paglalaro, kung gayon maaari mong subukan ang Tongits Casino Online. Ang Tongits Casino Online ay nag-aalok ng iba’t ibang larong sugal kabilang na ang Pusoy, 3 Card Poker, at Hongkong Poker. Lahat ng mga ito ay gumagamit ng Poker hands kaya hindi masasayang ang oras na ilalaan mo upang matuto ng pagbuo ng Poker hands! Maaari ka rin kumita ng totoong pera mula sa paglalaro nito at nagbibigay din ito ng mataas na win rate. Marami pa itong tampok at hindi lang ito nakatuon sa mga larong sugal. May mga promosyon at gift code na makakatulong sa pag-usad mo sa laro. Available din ito sa GooglePlay store, kaya subukan na ito ngayon na!
Poker hand rankings
Sa seksyong ito, makikita ang listahan ng pagkakasunod-sunod ng Poker hand ranking. Royal Flush ang pinakamataas at High Card naman ang pinakamababang Poker hands na maaari mo mabuo. Tandaan ang mga ito ng mabuti dahil dito nakasalalay ang tagumpay mo sa bawat round ng laro.
1. Royal Flush
Ito ang pinakamataas na Poker ranking. Binubuo ito ng Ace, King, Queen, Jack at 10, lahat sa parehong suit. Dahil pantay ang halaga ng lahat ng suit, ibig sabihin pantay ang lahat ng royal flushes.
Halimbawa: A K Q J 10
2. Straight Flush
Ito ang limang baraha na magkakasunud-sunod sa parehong suit. Sa pagitan ng dalawang Straight Flush, mas malakas ang isa na naglalaman ng mas mataas na top card. Ang isang Ace ay may mababang bilang, kaya ang 5 4 3 2 A ay isang straight flush, ngunit ang nangungunang baraha nito ay ang lima, hindi ang Ace. Kaya ito ang pinakamababang uri ng Straight Flush. Ang mga baraha ay hindi maaaring pabalik ang bilang tulad ng: 4-3-2–A-K.
Halimbawa: J 10 9 8 7
3. Four-of-a-kind
Ang Four-of-a-kind naman ay naglalaman ng apat na baraha na may parehong ranggo – tulad ng apat na Ace. Ang ikalimang baraha ay maaaring maging anuman. Ang kumbinasyong ito ay kilala rin bilang “quads”, at sa ilang bahagi ng Europa ito ay tinatawag na “poker”. Sa pagitan ng dalawang Four-of-a-Kind, mas malakas ang may mas mataas na set ng apat na baraha. Halimbawa, ang 5–5–5–5–A ay tinalo ng 6-6–6–6–2. Hindi ito maaaring mangyari sa karaniwang Poker, ngunit kung sa ibang laro ay kailangan mong paghambingin ang dalawang Four-of-a-Kind kung saan ang set ng apat na baraha ay may parehong ranggo, kung gayon ang isa na may mas mataas na ikalimang baraha ay ang mas mahusay.
Halimbawa: A A A A 10
4. Full House
Binubuo ito ng tatlong baraha ng isang ranggo at dalawang baraha ng isa pang ranggo (Three-of-a-Kind at Two Pairs na kumbinasyon). Halimbawa tatlong 7 at dalawang 10. Kapag inihambing ang Full House, tinutukoy ng ranggo ng tatlong baraha kung alin ang mas mataas. Halimbawa: Ang set na8–8–8–A–A ay tinalo ng 10–10–10–5–5. Kung ang Three-of-a-kind ay pareho ang halaga, ang ranggo ng Two Pairs ang magpapasya.
Halimbawa: Q Q Q A A
5. Flush
Ang Flush ay limang baraha na may parehong suit. Kapag naghahambing ng dalawang Flush, tinutukoy ng pinakamataas na baraha kung alin ang mas malakas. Kung ang pinakamataas na baraha ay pantay, ang susunod na pagbabasehan ay ang pangalawang pinakamataas na baraha; kung pantay din ang mga iyon, ang ikatlong pinakamataas na baraha, at iba pa. Halimbawa: Ang KJ932 ay mas mataas KJ765 dahil tinalo ng 9 ang 7.
Halimbawa: A K Q 10 9
6. Straight
Ang Straight naman ay limang baraha ng magkakaibang suit na magkakasunud-sunod. Kapag naghahambing ng dalawang sequence, ang isa na may mas mataas na ranggo sa mga baraha ay mas mahusay. Maaaring mabilang na mataas o mababa ang Ace sa isang Straight, kaya ang A–K-Q–J–10 at 5–4–3–2–A ay mga wastong straight. Subalit ang 2-A-K-Q-J ay hindi. Ang 5-4-3-2-A ay ang pinakamababang uri ng Straight, ang nangungunang baraha sa set na ito ay ang lima.
Halimbawa: K Q J 10 9
7. Three of a Kind
Ang Poker hands na ito ay naglalaman ng tatlong baraha na may parehong ranggo at dalawa pang baraha. Ang kumbinasyong ito ay kilala rin bilang Triplets o Trips. Kapag naghahambing ng dalawang Three-of-a-Kind, mas mahusay ang Poker hand kung saan ang tatlong magkaparehong baraha ay may mas mataas na ranggo. Halimbawa: Talo ng K-K-K-J-10 ang 10-10-10-8-5. Kung kailangan paghambingin ang dalawang Three-of-a-Kind kung saan ang mga hanay ng tatlo ay may pantay na ranggo, kung gayon ang mas mataas sa dalawang natitirang baraha sa bawat Poker hands ay ang ihahambing. Kung ang mga iyon ay may parehong halaga pa rin, ang mas mababang kakaibang baraha ay ang pagbabatayan.
Halimbawa: 7 7 7 4 3
8. Two Pair
Ang isang Two Pair ay dalawang baraha na may parehong ranggo. Sa isang Poker hands na may Two Pair, ang dalawang pares ay may magkaibang ranggo dahil kung hindi, magkakaroon ka ng apat na magkatulad, at mayroong isang kakaibang baraha upang maging limang baraha ang Poker hands. Kapag ihahambing ang Poker hands sa Two Pair, ang Poker hand na may pinakamataas na pares ang mananalo, anuman ang ranggo ng iba pang mga baraha. Kaya ang Q-Q-4-4-3 ay talo ang J-J-7-7-5 dahil ang Queen ay talo ang Jack. Kung ang mas mataas na mga pares ay pantay, ang mga mas mababang mga pares ang ihahambing. Halimbawa: Talo ng Q-Q-6-6-5 ang Q-Q-5-5-J. Sa wakas, kung ang parehong mga pares ay pareho, ang mga kakaibang baraha o ang mga pang-limang baraha ang ihahambing. Halimbawa: Tinalo ng K-K-5-5-7 ay tinatalo ang K-K-5-5-6.
Halimbawa: J J 9 9 8
9. Pair
Ang Pair ay isang uri ng Poker hands na may dalawang baraha na magkapareho ang ranggo at tatlong iba pang baraha na hindi tumutugma sa mga ito o sa isa’t isa. Kapag ihahambing ang dalawang Pair, ang Poker hand na may mas mataas na pares ang mas mahusay. Halimbawa: Talo ng 7-7-6-3-2 ng 5-5-A-2-4. Kung pantay ang mga pares, ihahambing naman ang pinakamataas na ranggo sa tatlong magkakaibang baraha mula sa bawat Poker hand. Kung magkapareho ang mga ito, ang susunod na ihahambing ay ang pangalawang pinakamataas sa magkakaibang baraha, at kung magkapareho pa rin ang mga ito, sunod na ihahambing ang pinakamababang baraha sa tatlong magkakaibang baraha. Kaya talo ng K-K-A-8-3 ang K-K-A-6-7 dahil tinalo ng 8 ang 6.
Halimbawa: K K A 10 9
10. High Card
Panghuli sa card rankings poker, ang High Card. Ito ay naglalamang ng limang baraha na hindi bumubuo ng alinman sa mga kumbinasyong nakalista sa itaas. Kapag ihahambing ang dalawang High Card, ang isa na may mas mahusay na pinakamataas na baraha ang mananalo. Kung ang pinakamataas na baraha ay may parehong halaga, ang ikalawang baraha ang susunod na ihahambing. Kung pareho pa rin ito, ang mga ikatlong baraha susunod na ihahambing, at iba pa. Kaya talo ng 10-8-6-5-3 ang A-8-5-3-2 dahil mas mataas ang 10 sa 8.
Halimbawa: K J 10 9 8
Related posts:
Paano pumili ng panimulang Poker hand na magdadala sa tagumpay
Kung gusto mong maging mahusay na manlalaro at magamit ng tama ang poker hand, sundin ang mga diskarteng ibabahagi ng Laro Reviews sa seksyon na ito.
Ano ang isang potensyal na Poker Hand?
Masasabi na ang isang Poker hand ay may potensyal na manalo kapag ito ay may pagkakataong bumuo ng alinman sa mga nabanggit na poker hand ranking sa itaas. May potensyal din ang isang Poker hand kung mataas ang unang pinagbabasehan na baraha o kumbinasyon ng baraha. Gayundin, sa mga magkakaibang baraha na kasama ng mga kumbinasyon o tinatawag na odd card. Kapag lahat ng ito ay nakita mo sa Poker hand na mayroon ka, malaki ang tyansa mong manalo dahil may potensyal ito na manalo kontra sa poker hand ng mga kalabang manlalaro.
Isang magandang senyales kapag lumabas ang isang natural pair ng mga baraha
Kapag naglalaro ka ng anumang larong baraha na gumagamit ng hand card rankings, isang magandang senyales ang pagkakaroon ng isang natural pair ng baraha. Isa kasi ito sa nagiging kalamangan ng mga manlalaro para manalo.
Ang Poker Hand na walang pares
Kapag walang pares sa Poker hand, ang tanging pag-asa mo para manalo ay ang pagkakaroon ng High Card na may mataas na baraha sa limang baraha na mayroon ka. Ang posible na maaari mong makuha upang manalo ay ang pagkakaroon ng mga face card tulas ng King, Queen, at Jack. Minsan nagiging kalamangan pa ang pagkakaroon ng walang pares dahil may pagkakataon kang makabuo ng iba pang hand card na walang pares tulad ng Royal Flush, Straight Flush, Flush, at Straight.
Ang mga diskarte na ito ay maaari mong subukan sa mga gambling app na nag-aalok ng mga larong baraha na gumagamit ng poker hand rankings bilang isa sa mga patakaran, katulad na lamang ng isa sa inirerekomenda ng Laro Reviews ang Big Win Club. Maaari mong subukan ang iba’t ibang larong baraha nito tulad ng Pusoy at 3 Card Poker, at kumita ng totoong pera! Kung nababagot ka na sa mga larong ito, huwag mag-alala dahil may iba ka pang mapagpipilian laro at aktibidad na maaaring salihan. Bukod pa rito, Available din ito sa GooglePlay at App store para i-download. Kaya naman, ihanda na ang inyong device para subukan ang iba pang tampok ng Big Win Club.
Mga benepisyo ng pagpili ng Poker hands ayon sa diskarte
Ang mga potensyal Poker hand ay nakakaimpluwensya sa pagpili ng baraha
Syempre, kapag nakitaan mo ng potensyal ang isa poker hand malaki ang epekto nito sa pagpili mo ng baraha. Habang naglalaro ay patuloy kang nag-eeksperimento ng iba’t ibang kumbinasyon ng baraha. Nagiging exposed ka sa iba’t ibang posibilidad at nakikita mo ang mga maaaring maging resulta. Nakakabuo ka rin ng iba’t ibang diskarte sa bawat mahihirap na sitwasyon kaya nakakadagdag din ito ng iyong karanasan sa paglalaro.
Ang pagkakaroon ng magandang Poker hands ay nagbibigay ng higit na kalamangan pagkatapos ng flop
Isa itong magandang pahiwatig na makatanggap ng magandang poker hands pagkatapos ng flop. Binibigyan nito ng kalamangan ang isang manlalaro dahil mayroon itong potensyal na makipagkumpitensya sa ibang poker hands. Maaari mo ring linlangin ang kalaban at ipakitang nasa alanganin na sitwasyon ka kahit hindi naman. Kasama kasi sa paglalaro ng larong baraha ang “pag-bluff” para hindi malaman ng kalaban ang mga susunod mong hakbang.
Konklusyon
Ang Poker hands ay isa sa mga nakakadagdag ng aliw sa mga larong baraha dahil ginagawa nitong mas mapaghamon at kapana-panabik ang bawat round. Kaya naman hindi na magdadalawang-isip pa ang Laro Reviews na imungkahi sa iyo ang Tongits Casino Online at Big Win Club upang subukin ang iyong kakayahan na bumuo ng poker hands sa pamamagitan ng paglalaro ng mga tampok na larong baraha nito. Hindi ka lang malilibang, kumikita ka rin habang naglalaro! Kaya naman subukan na ito ngayon upang matuklasan ang iba pa nitong alok para sa lahat!
See more:
- 0 Comment
- Casino Game Apps
- April 10, 2024