Bago pa nauso ang Tongits Plus o iba pang card games sa mobile phone, maraming mga Pinoy ang nahuhumaling sa paglalaro ng sugal na ito. Minsan ay nilalaro ito ng mga matatanda sa lamay at kung minsan naman ay sa normal na araw lamang. Naging notorious ang salitang ito dahil kalimitan itong nilalarong may kasamang taya. Gayunpaman, may mga pagkakataong ginagawa lamang itong pampalipas-oras ng mga magbabarkada nang walang perang pinangtataya.
Kasabay ng sikat na casino card games tulad ng pusoy, baccarat, at poker, maaari mo na ring ma-enjoy ang larong tongits sa iyong mobile phone. Marami kang mahahanap na ganitong mga laro sa Google Play Store at App Store. Dahil sa teknolohiya, pwede ka nang makipaglaban sa ibang players sa real-time gamit ang internet. Naghahanap ka ba ng mga cash out game na pwede mong pagkakitaan? Siyempre, hindi talaga mawawala ang mga ganitong klaseng laro. Kung hindi ka naman competitive player at gusto mo lamang ma-enjoy ang larong ito, maraming apps ang nababagay para sa iyo. Isa na riyan ang larong itatampok ng Laro Reviews sa artikulong ito.
Contents
Kabuuan ng Tongits Plus
Ang Tongits Plus ay isang casual card game na inilabas ng Mobilix Solutions Private Limited. Hindi tulad ng mga cash out game, hindi mo kailangang magtaya ng totoong pera para lamang malaro ito. Malalaro mo ito offline dahil sa mga AI ang kalimitan mong makakalaban.
Tulad ng sa orihinal na tongits, malalaro ito ng tatlong players at paghahatian nila ang 54 cards. Bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang katumbas na puntos. Halimbawa, ang Ace ay may isang puntos lamang at ang Jack, Queen, at King ay may katumbas na sampung puntos naman. Sa kabilang banda, katumbas ng mga number card ang mga numerong nakatalaga sa kanila.
Layunin ng Laro
Para manalo, kailangan mo lamang maubos ang lahat ng cards o magkaroon ng pinakakaunting score sa pagtatapos ng laro. Magagawa mo lamang ito sa pamamagitan ng pagdi-discard ng mga ito sa tuwing oras mo nang tumira.
Tongits Plus – Paano ito laruin?
Magiging random ang unang titira, hindi tulad ng sa tongits sa totoong buhay. Magkakaroon ka ng labintatlong cards kapag ikaw ang naging dealer at labindalawa cards naman sa mga natirang player. Upang magsimula, kumuha ng isang card mula sa tuktok ng discard pile at ilagay ito sa iyong deck. Maaari ka ring kumuha ng isang card mula sa discard pile kung makagagawa ka ng isang meld (isang set o run) gamit ito, at pagkatapos ay dapat mong ipakita ang meld. Maaari mong ibunyag ang anumang meld ng iyong deck sa mesa. Hindi mo kailangang ibunyag ang iyong meld dahil optional lamang ito. Bawat player ay dapat maglagay ng kahit isang meld sa mesa, ngunit dapat kang maglagay ng isang card sa discard pile upang tapusin ang iyong tira.
Pros at Cons ng laro
Ang isang kagandahan ng larong Tongits Plus ay ang pagiging offline game nito. Hindi mo na kailangan ng stable internet connection para makapaglaro, kaya mae-enjoy mo ito kahit na saang lugar ka man. Maganda rin itong pagkakataon para sa baguhang players para sanayin ang kanilang galing sa paggawa ng diskarte. Mayroon silang game mode kung saan makikipaglaban ka sa mga AI, ngunit mas tumatalino ang iyong mga kalaban habang nagle-level up ka rito. Kaya naman hindi mababagot sa larong ito dahil sa katagalan. Sa kabilang banda, maaari ka ring makipaglaban sa ibang players online. Mas malalaman mo kung gaano ka na kagaling maglaro ng tongits dahil may tsansa kang makalaban ang ilang bihasang players nito.
Hindi rin mahirap makaipon ng coins dahil sa daily rewards at quest na pwede mong tapusin. Mayroong itong in-app purchases na maaari mong bilihin gamit ang totoong pera.
Walang bug na nakita ang Laro Reviews, subalit may mga pagkakataong nagkakaroon ng internet connection problem sa multiplayer mode kahit na stable ang internet. Hindi mo rin mapagkakakitaan ang larong ito dahil hindi mo mako-convert ang iyong in-game coins sa totoong pera.
Mga Alternatibong Laro
Bukod sa Tongits Plus, maraming apps ang pwede mong i-download at ma-enjoy sa iyong mobile phone. Maaari mo ring pagkakitaan ang ilan sa mga ito hangga’t mayroon kang kinakailangang account. Kaya narito ang ilang mobile games na inirerekomenda ng Laro Reviews:
Tongits Go
Isa itong competitive online casino na inilabas ng developer na Spirejoy SG. Sumikat ang larong ito dahil sa maaaring kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-convert ng iyong in-game coins sa totoong pera. Matagal na rin ang larong ito at marami-rami na ring mga Pilipino ang nahuhumaling sa paglalaro nito. Kaya naman hindi mapagkakailang sikat ang larong ito sa Pilipinas.
Tingnan ang higit pa: Is Tongits Go easy to make money – Review from casino experts
Big Win Club – Tongits Pusoy
Trending ang app na ito kahit na mas bago pa lamang ito kaysa sa naunang laro. Para sa mga hindi pa nakakaalam, ito ay isang online casino game ng Andrew STD HK. Bukod sa tongits, maaari ka ring maglaro ng color games, pusoy, slot machines, sabong cards, at iba pa. Tulad ng Tongits Go maaari ka ring kumita ng pera sa mobile game na ito, subalit sa direct app ka na mismo makikipagtransaksyon. Kaya naman ay maganda itong alternatibong real money online game dahil mas mabilis ang pag-convert ng rewards sa totoong cash.
Tingnan ang higit pa: Tongits Big Win Club: Play Online Tongits – Win Real Cash
Tongits Offline
Kung gusto mo lang maglaro at hindi mo ninanais na kumita ng pera, maaari mo namang i-download ang app na ito. Mula ito sa iDream Game Studio. Ang parehong developer na nag-publish ng single-player casino games tulad ng Solitaire Classic iDream, Chinese Poker Offline, Tile Connect: Onet Matching, at iba pa. Nababagay ito sa casual players dahil puro AI ang iyong mga kalaban imbes na mga ibang tao.
Konklusyon
Marami nang nauusong larong pwedeng pagkakitaan ang mahahanap mo sa mobile phone, ngunit hindi lahat ng players ay mahilig sa ganitong klaseng laro. Bilang karagdagan, may pagkakataong mao-overwhelm at mape-pressure ka sa paglalaro dahil may totoong perang pinangtataya rito. Kaya kung bagong player ka pa lang at gusto mo munang magsanay sa laro, i-download lamang ang Tongits Plus sa https://play.google.com/store/apps/details?id=com.eastudios.tongits&hl=en&gl=US at sa https://apps.apple.com/ph/app/tongits-plus/id1349102300.
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Reviews
- December 8, 2024