Tongits Legend: Play Tongits Online

Narito ang Laro Reviews upang magbigay ng ilang ideya kung bakit ba kinahuhumalingan ng mga tao rito sa Pilipinas ang paglalaro ng card game at paano laruin ang Tongits Legend na aming kikilatisin sa artikulong ito. Isa na rito ang isa sa mga sikat na card game, ang Tongits. Ito ay isang uri ng card game kung saan maaari itong laruin ng dalawa hanggang tatlong manlalaro gamit ang 52 na cards sa deck. Sa larong ito nakadepende sa inyo kung gusto niyong gamitin ang Joker o hindi. 

Ang larong ito ay lalong kinaaadikan ng karamihan dahil sa madaling mekaniks o rules nito na inyong malalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulo na ito. Hindi ito kumplikadong laruin at sa loob lamang ng ilang laro o round ay tiyak na makakabisado mo agad ang sistema nito. Kaya narito ang Tongits Legend na ngayo’y available na para laruin sa inyong mga device. Ito ay isang online game kung saan nangangailangan ng internet connection upang makipaglaro sa ibang mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

tongits legend 4

Paano Laruin ang Tongits Legend?

Sa katunayan, ito ay madali lamang. May iilan lamang itong rules na dapat mong malaman na karaniwan ding ginagawa o sinusunod sa aktwal na paglalaro nito. Ang deck ay binubuo ng 52 na cards (hindi pa rito kasama ang dalawang Joker). Karaniwan sa paglalaro nito ay hindi na isinasama ang joker. Ito ay naglalaman ng apat na grupo ng cards, ang heart, diamond, club, at spade. Bawat grupo ay may 13 na cards at mayroon itong numerical value na 1 hanggang 13. Mayroon kang makikitang Jack, Queen, at King sa bawat grupo at mayroon itong katumbas na halaga (Jack – 11, Queen – 12, King – 13), ang tawag sa mga ito ay face cards.

Ang laro ay uumpisahan sa pagbabalasa o pagsa-shuffle ng cards. Pagkatapos ay ibibigay ito sa bawat kasaling manlalaro. Ang unang manlalaro ay magkakaroon ng 13 na cards at ang iba ay 12 na cards lamang. Ang manlalaro na may 13 na cards sa kamay ang unang magbababa ng card at hindi maaaring bumunot sa unang pagkakataon nito.

Ang laro ay magpapatuloy hanggang sa may manlalarong mag-tongit. Kung ang laro ay may tatlong manlalaro, ang dalawang matitira ay magpapatuloy pa rin hanggang sa may mag-tongit ulit at makuha ang ikalawang ranggo.

Ang larong ito ay mayroon ding customization. Maaari mong baguhin ang style ng table o gumawa ng sarili mong rules sa paglalaro nito. Ito rin ay naka-dub sa Filipino kaya mas madali mong maiintindihan at mas ramdam mo ang pagiging classic card game nito. Matutuklasan mo pa ang iba pang features nito sa oras na subukan mo itong laruin. 

Ang laro ay available para sa iOS users: https://apps.apple.com/ph/app/tongits-legend/id1492782075

Diskarte sa Paglalaro ng Tongits Legend

tongits legend 2

Ito ay ilan lamang sa mga diskarte na maaari mong gawin habang nilalaro ang Tongits Legend. Ito ay simple at madali lamang kaya halika na at umpisahan na natin.

  1. Ibaba ang mga card na may malalaking halaga at sa tingin mo ay hindi makakabuo ng set.
  2. Tingnan ang mga Set na nasa table na pwedeng mong sapawan para mabawasan ang card na nasa kamay mo. Ang card na isasapaw mo rito ay ang mga hindi kabilang sa Set mo at tugma sa set ng kalaban o ng sarili mo.
  3. Kung sa tingin mo ay may pag-asa kang manalo sa pamamagitan ng pag-call ng Fight ay mainam na gawin mo ito kung ikaw ay may mababang halaga ng mga card na hindi kasali sa Set o sa tingin mo ay hindi ka makakagawa ng isang set.
  4. Ito ay isa sa mga simpleng diskarte sa paglalaro nito, ito ay ang ayusin ang hawak mong mga card. Mas madali mong malalaman kung alin ang mga set at ang mga baraha na maaari mong itapon o isapaw.
  5. Magpraktis. Kung ikaw ay baguhan, mainam na subukan mo ang laro sa aktwal ng sa gayon ay malaman mo ang mga pangunahing rules ng laro. Mula sa paglalaro nito ng ilang beses ay maaari kang makabuo ng sarili mong diskarte.
  6. Magtanong sa mga manlalarong bihasa na rito. Ang mga manlalarong maalam sa larong ito ang higit na makapagbibigay ng kaalaman sa iyo o kaya naman sa pamamagitan ng panonood ng mga tutorial sa YouTube o anumang website na may ganitong content.

Sundin lamang ang mga ito at tiyak na mananalo ka sa bawat round ng Tongits Legend!

Tingnan ang higit pa: How to play Tongits: A detailed guide and tips for playing Tongits

Pros at Cons ng Larong ito

tongits legend 3

Sa seksyon na ito ay tutulungan ka namin magdesisyon kung dapat mo ba itong laruin o hindi. Talakayin muna natin ang magagandang aspeto ng laro. Ang laro ay madali lamang laruin at ang lahat ng nilalaman nito ay tulad lang din sa aktwal. Isa sa ikinaganda at nagustuhan namin dito ay naka-dub ito sa wikang Filipino. Kaya mas mauunawaan ito ng karamihan. Maaari mo rin i-customize ang table at ang rules na gusto mong ilapat sa buong laro. Ang graphics ay makukulay at nakakamangha, gayundin ang sound effects nito. Maaari mo rin imbitahan o yayain maglaro ang iyong mga kaibigan o pamilya dahil ito ay isang online game. Mayroon din itong in-game chat system kung saan maaari kang makipag-ugnayan sa mga manlalaro. Makakapagpadala ka ng mensahe katulad ng mga cute na emoji.

Kahit na ito ay naglalaman ng mga kamangha-manghang mga feature ay mayroon pa rin itong mga bahagi na aming ikinadismaya. Tulad na lamang ng napakaraming A.I Players na ima-match sa iyo. Marahil ang kadahilanan nito ay kaunti pa lamang ang naglalaro ng app na ito kaya ay madalas kang i-match up sa Bot o Computer Players. Gayunpaman, mas mainam kung mga totoong manlalaro ang iyong makakalaban. Ito ay isang online tongit game na walang cash out system. Hindi mo maika-cash out ang mga panalong nakuha mo. Ito ay available lang din sa mga iOS user dahil tinanggal ito sa Play Store sa kadahilanang hindi ito legit. Ngayon, nasa sa iyo kung gusto mo itong subukan o hindi. Sana ay nakatulong ang kaunting impormasyon na ito para magbigay kaalaman sa iyo. 

Tingnan ang higit pa: Is Tongits Go easy to make money – Review from casino experts

Konklusyon

Ang Tongits Legend ay hawig na hawig lang din sa aktwal na paglalaro ng tongits. Ito ay dinagdagan lamang ng mga feature katulad ng customization, chat system, at makukulay na graphics. Gayunpaman, marahil maliit pa rin ang game community nito kaya madalas kang ima-match sa AI players. 

Inererekomenda namin na subukan mo ang Big Win Club app kung naghahanap ka ng real money online game. Mayroon itong malaking game community kung saan tiyak na ang makakalaban mo ay mga totoong tao o manlalaro. Hindi ka nito bibiguin dahil sa hatid nitong saya at magagandang features na siguradong ikatutuwa ng mga manlalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...